Calendar
Pagdinig ng BRC nakabase sa katotohanan, di kasinungalingan
HANDANG ikonsidera ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang pagsasagawa ng pagdinig para sa mga testigo ng sinasabing P805-bilyong cash delivery scheme kung ipapakita ng mga subjects na logical ang kanilang mga pahayag.
Ipinahayag ni Lacson na ang kanyang pagpayag ay nakadepende sa pagbabago ng mga datos na iniharap ng 18 umano’y dating sundalo.
Binigyang-diin ni Lacson na ang layunin ng komite ay alamin ang katotohanan. “The BRC (blue ribbon committee) hearings are intended to expose the truth, not lies… If they will adjust the numbers within the realm of possibilities, why not?” paliwanag ng senador.
Ipinunto ng senador na ang paglipat ng 805 metric tons na perang papel ay isang “logistical nightmare.”
Ayon sa kanya, ang proseso ng pagbababa, pagbibilang, pag-iimpake, at pagdedeliber ng ganito karaming pera ay maaaring umabot hanggang 2027 kahit pa magtrabaho ang mga sangkot ng 24/7.
Dagdag pa ni Lacson, magiging circus o joyride ang mga pagdinig ng komite kung walang logical basis.
Samantala, nilinaw ni Lacson na bukas siyang makipagpulong sa kanilang abogadong si Levito Baligod upang subukang maiayon sa “realm of possibilities” ang testimonya ng mga kliyente nito.
“For truth’s sake, without sacrificing the dignity and integrity of the Blue Ribbon Committee inquiry, I am willing to speak to Atty. Levito Baligod to reconcile the joint testimony of his 18 clients with the realm of possibilities,” pagtatapos ng senador.

