Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Madrona

Paggamit ng nuclear energy kinatigan ni Madrona

Mar Rodriguez Mar 14, 2025
67 Views

Madrona1Madrona2Madrona3Madrona4KINAKATIGAN ni Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang panukalang paggamit ng nuclear energy para tuluyan ng maibsan ang matagal ng problema ng mamamayang Pilipino patungkol sa napakamahal na singil sa kuryente.

Sabi ni Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, na panahon na para magkaroon ng alternatibo kaugnay sa napakamahal na singil sa kuryente sa pamamagitan ng nuclear energy na hamak na mas mababa kumpara sa tradisyunal na kuryente na iniinda ng napakaraming electric consumers.

Dahil dito, ipinaliwanag din ni Madrona na kinakailangang simulan ng pag-aralan ng pamahalaan ang pagtatayo o development ng nuclear energy sa bansa dahil narin sa mataas na singil sa kuryente na nagsisilbing “pasan krus” ng mga electric consumers lalo na ang mga mahihirap na mamamayan.

Suportado din ng kongresista ang panukalang pagtatanggal ng Value Added Tax (VAT) sa kuryente na lalo lamang aniyang nagpapadagdag sa hirap ng mamamayan.

Naniniwala si Madrona na kapag tinanggal ang VAT sa kuryente, direkta aniyang makikinabang dito ang mga nasa sektor ng industrial, commercial at residential users sapagkat sila ang mas malakas kumonsumo ng kuryente.

Samantala, ikinagalak ni Madrona ang pagdalo nito sa ika-walong Founding Anniversary ng Coast Guard Legislative Liaison Affairs (CGLLA) sa Function Room Hall ng Philippine Coast Guard (PCG) National Headquarters sa Port Area, Manila.

Ayon kay Madrona, ang tema ng CGLLA ay “Tulay ng Pagkakaisa, Para sa Pagsusulong ng mga Panukalang-Batas sa Lehislatura, Para sa Matatag na Serbisyong Tanod Baybayin ng Pilipinas”.

Sinabi ni Madrona na binibigyang diin ng nasabing okasyon ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagsusulong ng mga legislative measures na magpapalakas ng maritime services.