Bautista

Paggawa ng bahagi ng Metro Manila subway project sa Anonas, Camp Aguinaldo sisimulan na

Jun I Legaspi Feb 16, 2023
200 Views

PINANGUNAHAN ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Baustista ang groundbreaking ceremony para sa Contract Package 103 (CP103) ng kauna-unahang Metro Manila Subway Project (MMSP) ng bansa, ngayong araw, ika-13 ng Pebrero 2023.

Saklaw ng CP103 ang pagtatayo ng dalawang (2) underground subway stations Anonas Station at Camp Aguinaldo Station.

Sa seremonya, binigyang diin ni Secretary Bautista, ang napakaraming benepisyong hatid ng subway sa bawat Pilipino, sa oras na kumpleto at operational na ito.

“Today is another critical step towards that aspiration towards the convenience and comfort of Filipino commuters towards a transport infrastructure that catalyzes economic rebound,” ani Bautista.

Katuwang ang Japan International Cooperation Agency (JICA), sinimulan ang pre-construction works o ‘Advanced Works Package 2’ sa Camp Aguinaldo station noong November 2021, at inaasahang matatapos ito sa 3rd quarter ngayong taon.

Oras na matapos ang subway, mas magiging mabilis at maginhawa ang biyahe mula at patungong Valenzuela at NAIA. Mula sa isang oras at 10 minuto ay magiging 45 minuto na lamang ang travel time rito.

Ang subway ay kayang magsakay ng 519,000 na pasahero kada araw.