TAAL Source: PNA file photo

Paghahanap sa mga sabungero hindi apektado ng pagyanig ng Taal Volcano

384 Views

NAGBABALA nitong Huwebes ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa pagtaas ng mga pagyanig ng bulkan malapit sa Taal Volcano dahil sa pagtaas ng pressure.

Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, tumaas ang real time seismic amplitude measurements ng Taal Volcano noong Linggo, Hulyo 6.

“Posibleng nagkaroon ng pressurization. Naipon ‘yung pressure kasi since July 6 mayroon tayong volcanic tremor for four days now. Until now, na-record pa rin natin ‘yan. Kapag naipon ‘yung pressure, pwede mag-trigger ng biglang pagsabog,” paliwanag ni Bacolcol.

Gayunpaman, ang aktibidad aniya ng bulkan ay hindi maglalagay sa panganib sa patuloy na paghahanap sa mga bangkay ng mga missing sabungeros na sinasabing itinapon sa Taal Lake dahil ang tubig ay nasa labas ng permanenteng danger zone ng Taal.

“Ang pinagbabawal po ay ‘yung Taal Volcano Island. ‘Yun ‘yung permanent danger zone natin. ‘Yung sa lake naman, that’s beyond the permanent danger zone. In fact may mga pangingisda dyan, may mga fish. So I don’t think magkakaproblema,” ayon pa kay Baolcol.

“Yung volcanic tremor it can last for several days. In fact, ‘yung volcanic tremors natin before mayroon tayong itala sa Taal Volcano, it lasted for 221 days. Hindi humuhupa from July 7, 2021 hanggang February 2022,” dagdag ng Phivolcs chief.