Calendar
Pagkahuli sa pangunahing suspek sa POGO sa Porak pinuri ni Risa
PINURI ni Senadora Risa Hontiveros ang kamakailang pagka-aresto kay Lyu Dong, isang umano’y utak sa likod ng maraming Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at scam hubs, at tinawag itong isang mahalagang tagumpay sa kampanya laban sa iligal na sugal at mga operasyong panloloko sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Hontiveros, “The arrest of ‘big boss’ Lyu Dong is a major victory in our fight against the criminal architects of POGO and scam hubs operating across the country.”
Binigyang-diin niya na ang pagka-aresto kay Lyu Dong ay nagdadala sa Pilipinas nang mas malapit sa hustisya para sa mga biktima ng mga krimen na may kaugnayan sa POGO at pananagutin ang mga opisyal ng gobyerno na nagbigay-daan at nagtiis sa mga ilegal na gawain na ito.
Ibinahagi ng senadora na ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ay nauna nang natukoy ang mga koneksyon ni Lyu Dong sa iba pang pangunahing personalidad na responsable sa pagtatatag ng mga scam hubs sa Pilipinas.
Ipinahayag din ni Hontiveros ang kanyang pasasalamat sa mga ahensya nasa likod ng matagumpay na operasyon.
“I commend everyone from the Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), the Bureau of Immigration (BI), the Armed Forces of the Philippines Joint Special Operations Group, and the Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines who worked hard to ensure that Lyu Dong could not escape the long arm of the law,” ani Hontiveros.
Ayon sa mga awtoridad, naaresto si Lyu Dong sa isang subdivision sa Biñan, Laguna, sa isang operasyon na pinangunahan ng PAOCC at BI. Pinaniniwalaan siyang pinuno sa likod ng maraming iligal na operasyon ng POGO at scam sa bansa, na may mga kilalang koneksyon sa mga operasyon sa Ilocos Sur, Central Luzon, Calabarzon, Cebu, at Metro Manila. Kilala rin siya sa iba’t ibang alyas gaya ng “HAO HAO” at “boss of the boss,” at sinasabing siya ang utak ng ilang scam farms na biktima ang maraming indibidwal.
Hinimok ni Hontiveros ang mga tagapagpatupad ng batas na ipagpatuloy ang pagtugis sa iba pang mga pangunahing personalidad sa iligal na industriya ng POGO, kabilang sina Duanren Wu, Zhang Jie, at Huang Zhiyang.
“While Lyu Dong’s arrest is a major win, we should not be complacent or reckless,” babala niya, dagdag pa niya, “Given the scale of Lyu Dong’s operations, it’s clear that he could not have achieved this without the help of certain government officials.”
Hinikayat din niya ang mga awtoridad na tuklasin ang mga Pilipino na kasabwat ni Lyu Dong, at binanggit na may mas malalaking personalidad sa POGO network na nananatiling nag ooperate ng patago sa bansa.
“We need to catch these bosses, and they must be held accountable for their crimes against so many innocent people,” diin pa ni Hontiveros.
Ang pahayag ng senadora ay lumabas kasabay ng mas pinaigting na kampanya ng gobyerno laban sa POGOs at mga kasabwat nitong criminal networks, kasunod ng tumataas na pangamba sa epekto ng mga ito sa seguridad at katatagan ng ekonomiya ng bansa dulot ng ibat ibang kriminalidad na dala nito.