Vargas

Pagkakaloob ng health insurance para sa mga guro isinulong ni Cong. PM Vargas

Mar Rodriguez Nov 7, 2022
205 Views

Health insurance para sa mga guro isinulong ni Vargas

ISINULONG ng isang neophyte Metro Manila congressman ang isang panukalang batas na naglalayong pagkalooban ng “health insurance” ang mga public school teachers. Kasunod ng nangyaring aksidente sa Orani, Bataan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang bus ng mga guro.

Sinabi ni Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas na ang nangyaring insidente sa Orani, Bataan kung saan isang guro ang nasawi at ikinasugat naman ng 21 iba pa ay isang malinaw na indikasyon para magkaroon ng health insurance ang mga public school teachers.

Dahil dito, inihain ni Vargas ang House Bill No. 4074 o ang “Health Care for Public School Teachers Bill” na naglalayong mapagkalooban ng “health maintenance organization (HMO) ang mga public school teachers sa ilalim ng Department of Education (DepEd).

“This unfortunate incident that befell our QC teachers sadden all members of the community. As we pray for the recovery of the affected teachers and their families. It is imperative that we ensure further protection for the health and wellbeing of all our public school teachers, “ sabi ni Vargas.

Nabatid din kay Vargas na siyam sa mga guro na nasaktan sa nangyaring aksidente ay mula sa kaniyang distrito. Kung saan, pagkakalooban nila ng medical assistance ang mga nasabing public school teachers.

“A health care program for our noble teachers will not only protect the health and wellbeing of our education sector. But will also contribute to the general promotion of public health in our communities,” dagdag pa ni Vargas.