Villar

Paglagda sa RA No. 12199 ikinagalak ni Villar

Mar Rodriguez May 18, 2025
13 Views

IKINAGALAK ni outgoing House Deputy Speaker at Senator-elect Camille A. Villar ang pagkakalagda sa Republic Act No. 12199 o ang Early Childhood Care na naglalayong mabigyang prioridad ang kapakanan ng kabataang Pilipino.

Ayon kay Villar, layunin din ng nasabing batas na maipagkaloob sa mga Filipino children ang mga pangunahing pangangailangan nila gaya ng edukasyon, nutrition at ang sapat na pag-aalaga sa kanila partikular na ang mga batang nasa murang edad pa lamang.

“This law will boost oir government’s policies in nurturing our children from birth to toddler years. I am glad this law saw the light of day,” ani Villar.

Ikinagagalak din ng nanalong senador na sa ilalim ng bagong batas na ito, makakapagsagawa ang pamahalaan ng mga pagsisikap upang mabawasan ang infant at child mortality rates kabilang na ang tinatawag na preventable deaths.

Kaugnay nito, pormal ng iprinoklama ng Commission on Elections (COMELEC) si Villar bilang isa sa 12 senador na nanalo sa katatapos pa lamang na halalan.

Sa kaniyang mensahe, ipinahayag ni Villar na tinatanggap nito ang responsibilidad at itinuturing niya na isang malaking karangalan ang kaniyang nakamit na tagumpay kasunod ang kaniyang pangako na pagsisikapan nitong tuparin ang mga platapormang inilatag nito noong nakaraang eleksiyon.