Hataman

Paglalaan ng pondo para sa decommissioning ng 14,000 MILF combatants ikinagalak

Mar Rodriguez Sep 22, 2023
176 Views

IKINGAGALAK ni House Deputy Minority Leader at Basilan Lone Dist. Cong. Mujiv Hataman ang naging “commitment” ng House Committee on Appropriations at Development and Budget Coordination Committee (DBCC) na paglalaanan ng pondo ang decommissioning ng 14,000 combatants ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nakapaloob sa 2024 proposed national budget.

Sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng Mababang Kapulunagn ng Kongreso para sa 2024 proposed national budget. Nangako kay Hataman ang Committee on Appropriations at DBCC na popondohan ang nalalabing MILF combatants na ilalabas para sa susunod na taon (2024).

Binigyang diin ni Hataman na napakahalaga na magkaroon ng decommissioning o pagsuko ng mga armas sa hanay ng MILF upang makamit ang mailap na kapayapaan sa Mindanao at Bangsamoro. Habang na pondo naman ang kinakailangang para isagawa ang nasabing hakbang.

“Malinaw na may commitment tayong nakuha mula sa Appropriations Committee at sa DBCC na paglalaanan nila ng pondo para sa decommissioning ng MILF. Sana naman ay matapos na ito sa susunod na taon para matuldukan na natin ang isang yugto ng peace process,” ayon kay Hataman.

Ipinaliwanag ni Hataman na noong nakaraang taon sa parehong budget deliberation sa Kamara de Representantes. Iminungkahi na rin nito na pondohan ang decommissioning sa hanay ng MILF sa pamamagitan ng unprogrammed funds ngunit hindi nagkaroon ng alokasyon para dito.

Sinabi pa ng Mindanao congressman na tiniyak din sa kaniya ng Vice-Chairman ng House Committee on Appropriations na si Marikina 2nd Dist. Congresswoman Stella Luz A. Quimbo na mayroon ng ilalaan na alokasyon para sa decommissioning ng 14,000 MILF combatants na nagkakahalaga ng P901 million.

“Pero hanggang ngayon, tinatanong ko ang Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU). Wala parin nakukuha at hindi parin nagbibigay ng allocation mula unprogrammed funds. Remember, meron na po tayong malaki-laking amount more than P200 billion.