Calendar
Paglantad sa pagsalakay ng Tsina sa karagatan: Ang Pilipinas ay dapat manindigan
SA madilim at mapanlinlang na karagaran ng alitang heopulitika, nasasangkot ang Pilipinas sa nakapangangambang sapot na na inukit ng Tsina, habang ang kanilang mabangis na ambisyon sa karagatan ay nagbabanta sa kapayapaan at katiwasayan ng South China Sea. Kamakailan lamang, hinimok ni Huang Xilian, ang Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na “sumunod nang kalahati” ang Pilipinas sa isyu ng Kanlurang Karagatang Pilipinas (WPS), isang mabangis na naratibo ng pag-aayos sa gitna ng patuloy na panggigipit ng Tsina.
Habang ang mga anino na hinahagis ng Chinese Coast Guard at military militia vessels ay bumabalot sa mga barko ng Pilipinas sa WPS, ang pahayag ni Huang para sa pag-aayos ay nawawalan ng kabuluhang tugon. Ang nagbabantang panganib ay isang senyales ng kaguluhan na orkestrado ng isang bansa na hindi marunong rumespeto sa internasyonal na mga alituntunin, nagsasamantala sa kapangyarihan nito, at nagtatangkang pigain ang kanilang mga kapitbahay upang sumuko.
Ang kamakailang diplomatikong alitan hinggil sa pagbati ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Presidente Lai Ching-te ng Taiwan ay naglalantad ng mapanglinlang na mga taktika ng Tsina. Si Huang, tila nagmamaskara upang itago ng tunay na layunin ng kanyang rehimen, ay pinagalitan ang Pilipinas dahil sa paglabag sa tinatawag na prinsipyo ng “One China,” maluwag na ipinagsasawalang bahala ang kanilang patuloy na pagsalakay sa soberanya ng Pilipinas sa WPS.
Ang aklat ng taktika ng Tsina ay nakatuon sa sikolohikal na pagmamanipula sa Pilipinas sa entablado ng mundo, itinatanghal ang kanilang sarili bilang mabuting puwersa habang sistematikong iniuugma ang kanilang mga mapanirang gawain sa integridad ng karagatan. Kinukundena ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina si Marcos sa pagbati sa demokratikong halal na lider ng Taiwan, na nagpapakita ng hayagang paglapastangan sa karapatan ng Pilipinas na makipagkaibigan sa sino mang nais nito.
Ang walang kapararakan na payo ni Huang na dapat daw mag-“basa pa ng mga aklat” si Marcos ay nangamoy ng kayabangan at pagpapabaya, na higit pang naglalantad sa mapanglait na mga pamamaraan ng Tsina. Ang Pilipinas, isang matalino at malayang bansa, ay hindi nangangailangan ng isang maituturing na guro upang maunawaan ang mga diplomasyang pagpapasya nito. Ang pagsusumikap ng Tsina na patahimikin ang Pilipinas sa entablado ng mundo ay isang katawa-tawang paglabag sa internasyonal na paggalang.
Mahalaga na mailantad ang kahipokrituhan sa payo ni Huang na nanawagang dapat sundan ng Pilipinas ang One China Policy samantalang iniipit ng Tsina ang mga karapatan at integridad sa teritoryo ng kanilang mga kapitbahay. Ang South China Sea ay hindi isang limperyal na chessboard para gamitin ng Tsina sa kanilang kagustuhan. Dapat tanggihan ng Pilipinas ang huwad na kompromiso na ito at manindigan laban sa pagsiklab ng kanilang soberanya sa karagatan.
Ang nagbabantang panganib mula sa Tsina ay tila isang madilim na puwersa na nagtatangkang higupin ang Pilipinas, kaya kinakailangang harapin ng mga Pilipino ang masamang puwersang ito upang mapanatili ang kanilang autonomiya at kapayapaan. Ang Pilipinas, tulad ng isang determinadong bayani, ay dapat tumutol sa mga mapilit na taktika ng Tsina at ilantad ang kanilang masasamang plano.
Upang manatili ang katiwasayan, kinakailangan ng dalawang bansa na makilahok sa tapat na pakikipag-usap at sundin ang mga prinsipyo ng pangdaigdigang batas. Dapat magtipon ng suporta ang Pilipinas mula sa kanilang mga kaalyado, tiyakin ang isang nagkakaisang pagsalansang laban sa pagsalakay ng Tsina sa karagatan. Ang mga internasyonal na ahensya ay dapat magmasid at magpahayag ng kanilang pagsusuri at pagkondena sa mga ginagawa ng Tsina, pinaalalahanan ang kahalagahan ng paggalang sa soberanya ng mas maliit na mga bansa.
Sa ganitong nakakakilabot na kuwento, ang kakalasan ay nangangailangan na ang Tsina ay umatras mula sa kanilang agresibong pananaw at kilalanin ang karapatan ng Pilipinas sa WPS. Sa pamamagitan ng diplomasya, na sinusuportahan ng hindi natitinag na pagtataguyod ng pandaigdigang komunidad, maaaring mapaalis ng Pilipinas ang multo ng agresyon ng Tsina sa karagatan.
Ang Pilipinas ay hindi dapat sumuko sa mga anino na nahtayapon ng pangkaragatang imperyalismo ng Tsina. Sa halip, dapat nitong gamitin ang tabak ng diplomasya, ilantad ang mga masamang layunin ng katunggaling Tsina, at itaguyod ang kanyang pamanang pangkaragatan. Ang buong mundo ay nakatutok habang ang Pilipinas, ang magiting na bayani, ay humaharap sa malupit na banta mula sa Silangan, na determinadong magwawagi sa paghahanap ng kapayapaan at autonomiya.