Martin

Paglikha ng sovereign wealth fund suportado ng GIF

250 Views

SUPORTADO ng mga top-performing government financial institution (GFI) ng gobyerno ang panukala na magtayo ng sovereign wealth fund.

Sa pagdinig ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ipinahayag ng mga kinatawan ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines (Land Bank), at Development Bank of the Philippines (DBP) ang kanilang pagsuporta sa House Bill (HB) No. 6398 na akda ni Speaker Martin G. Romualdez.

“We are very supportive of this bill and we have committed P125 billion to be able to jumpstart the incorporation and help set in motion the principles of the sovereign wealth fund,” sabi ni GSIS President at General Manager Jose Veloso.

Nagpahayag din ng kani-kanilang pagsuporta sa panukala sina DBP President Emmanuel Herbosa, SSS President at CEO Michael Regino, at Land Bank of the Philippines President at CEO Cecilia Borromeo.

Sa ilalim ng panukala, ang apat na GIF ay maglalagak ng kabuuang P250 bilyon bilang start up fund ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Ang GSIS ay maglalagak ng P125 bilyon, P50 bilyon naman ang SSS at LBP, at P25 bilyon ang DBP.

Ang pondo ay gagamitin umanong investment upang madagdagan ang kita ng gobyerno na magagamit sa mga proyekto nito.

Ang MIF ay halaw umano sa mga hakbang na ginawa sa ibang bansa gaya ng Indonesia at Singapore.