Calendar

Paglilingkod sa buong bansa dahilan kaya Tingog namamayagpag sa survey
NANGUNA ang Tingog Party-list sa pinakahuling Tugon ng Masa Pre-Election Survey ng OCTA Research—nagpapakita ng malawak na suporta ng publiko na bunga ng kanilang tuloy-tuloy at tunay na paglilingkod sa mga komunidad sa buong bansa.
Nakakuha ang Tingog Party-list ng 5.23 porsyentong voters’ preference sa naturang survey, na ginawa ilang linggo bago ang eleksyon sa Mayo 12.
“We are deeply grateful and humbled by the latest Tugon ng Masa Pre-Election Survey released by OCTA Research, showing TINGOG Party-list as the No. 1 party-list choice of Filipino voters nationwide with 5.23% support,” pahayag ng grupo na pinangungunahan nina Reps. Yedda K. Romualdez at Jude A. Acidre.
“Hindi lang ito numero—ito’y nagpapakita ng tiwalang sa amin ay ibinigay dahil sa masusing pakikinig at pagsisilbi,” dagdag pa ng pahayag.
Binigyang-diin ng party-list group na ang kanilang mga ginagawa ay naka-ugat sa nararamdaman at konkretong serbisyo sa iba’t ibang bahagi ng bansa at hindi sa iisang lugar lamang.
“Ang resulta ng survey ay bunga ng ating matiyagang pagtatrabaho sa mga kanayunan hanggang sa mga pamayanan, mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao,” ayon pa sa pahayag ng Tingog.
Tinukoy din ng Tingog ang kanilang local infrastructure bilang isa sa mga dahilan kung bakit kinikilala at pinahahalagahan ng mga botante ang kanilang pagsisikap.
“Sa tulong ng 218 TINGOG Centers sa buong bansa at ating mga volunteers, ramdam ng buong bansa ang nagkakaisang boses ng pagbabago,” saad pa ng pahayag.
Gayunman, kinikilala ng Tingog na ang tunay na pagsubok ng tiwala ng taumbayan ay darating sa mismong araw ng halalan, kaya’t pinaalalahanan nila ang kanilang mga tagasuporta na manatiling mapagmatyag, mapanuri at aktibong makilahok.
“But let us also be clear: sa araw ng halalan, pinaka-importante ang mapanalo natin ang tiwala ng bayan. Ito ang ating pangangalagaan. Bumoto po tayo,” anila.
Nanawagan din ang grupo sa mga botante na ipagpatuloy ang momentum ng survey patungo sa aktwal na pagboto.
“Let’s turn this momentum into a real mandate,” diin ng Tingog.
Nagpasalamat din ang Tingog sa mga volunteers at tagasuporta na tumutulong sa pagpapalaganap ng kanilang mensahe at misyon.
“Kaya sa aming mga Ka-TINGOG, volunteers, kaibigan—maraming salamat. You are the reason we continue to listen and serve with heart, humility, and hope,” saad ng party-list. “Ang TINGOG ng Bayan. Nakikinig. Nagsisilbi.”