Calendar
Paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) ikinagalak
IKINAGALAK ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang malawakang paglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sapagkat malaki ang maitutulong ng nasabing proyekto para sa kapakanan ng mahihirap na Pilipino.
Sinabi ni Romero na sa pamamagitan ng KNP maraming mahihirap na mamamayan ang matutulungan nito sa gitna ng nararanasang “inflation” at kagutuman o poverty kaakibat ang iba’t-ibang local government units (LGUs).
Ipinaliwanag pa ni Romero na ipinapakita rin ng KNP program ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na seryoso ang gobyerno na maibsan at labanan ang kasalukuyang problema ng inflation at kahirapan na nararanasan mismo ng napakaraming mahihirap na Pilipino.
Ayon kay Romero, bukod sa maraming mahihirap na mamamayan ang makikinabang sa KNP. Malaki din umano ang maitutulong nito para naman sa mga magsasaka at mangingisda na magbebenta ng kanilang mga produkto sa KNP kabilang na ang iba pang mga lokal na produkto.
Kasabay nito, inihayag din ni Congressman Romero ang inilunsad nilang programa sa PUROK 16 General Santos City upang magbigay ng kaginhawahan sa mga mamamayan ng nasabing lalawigan.