Villar

Pagpapa-igting ng kampanya ng pamahalaan para sa mga kababaihan, kabataan at senior citizens hiniling ni Villar

Mar Rodriguez Mar 5, 2025
32 Views

Villar1Villar2Villar3NANANAWAGAN si House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Camille A. Villar sa pamahalaan na kailangan nitong paigtingin ang suporta para sa mga kababaihan, kabataan at senior citizens.

Nagbigay ng mensahe ang House Deputy Speaker sa selebrasyon ng Women’s Month sa Luna, Isabela na pinangunahan naman ng Avanche Isabelina, isang grupo ng mga kababaihan sa naturang lalawigan, kung saan tiniyak ni Villar ang kaniyang commitment na isusulong ang interes at kagalingan ng mga kababaihan.

Sabi ni Villar na ipagpapatuloy nito ang kaniyang isinusulong na adbokasiya para sa empowerment ng mga kababaihan kabilang na ang pagsusulong sa ilang isyu kagaya ng mental at reproductive health at ang mental health awareness para sa mga kababaihan.

“Lahat po tayo, kailangan maging healthy kapag manganganak. Dahil po kapag healthy po ang baby, hindi lang po Iyan, aalagaan po natin ang inyong mga anak,” sabi nito.

Ipinahayag pa ni Villar na sakaling mabibigyan siya ng pagkakataon na maluklok sa Senado. Sisikapin nito na isulong ang mga proyekto at programa na naglalayong mabigyan ng oportunidad ang mga kabataan na makapag-aral sa pamamagitan ng pre-school.

“Sisiguraduhin po natin na makakapag-aral ang mga kabataan at lahat po ng benepisyo ay maibibigay sa kanila,” dagdag pa ni Villar.