OFW

Pagpapa-igting ng kampanya vs human trafficking sa Myanmar mungkahi ng OFW Party List

Mar Rodriguez Nov 17, 2025
388 Views

IMINUMUNGKAHI ng OFW Party List sa Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapa-igting ng kampanya laban talamak na human trafficking sa Myanmar kung saan maraming Pilipino ang nagiging biktima nito.

Bagama’t tiniyak ng DMW na tuloy-tuloy ang tulong at proteksiyon nito sa 346 biktima ng human trafficking sa Myanmar. Iginigiit naman ni dating OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino dapat ay mas lalo pang paigtingin ng ahensiya ang kanilang kampanya para wala ng maging biktima ng nasabing modus.

Ikinalulungkot ni Magsino na sa kabila ng puspusang kampanya ng pamahalaan laban sa human trafficking kasama na ang illegal recruitment. Nagpapatuloy parin ang masamang gawaing ito na bumibiktima ng napakaraming Pilipino.

Dahil dito, binigyang diin ni Magsino na nangangahulugan lamang na kailangan pang dagdagan ng gobyerno ang pakikipaglaban nito sa mga sindikatong nasa likod ng human trafficking at illegal recruitment para tuluyan ng mapkuksa o malansag ang kanilang illegal operation.

Nauna rito, tiniyak ni DMW Sec. Hans Leo J. Cacdac ang patuloy na tulong at proteksiyon para sa 346 na Pilipino na biktima ng human trafficking na ligras na nakauwi mula sa Myanmar sa tulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Samantala, nagpasalamat naman ang mag-inang sina Gng. Monanina at anak nitong si Ram Gonzales dahil sa tulong na natanggap nila mula kay Magsino sa pamamagitan ng medical assistance kung saan natulungan ng mambabatas ang kaniyang anak sa pagpapagamot sa karamdaman nito.

To God be the Glory