Napocor

Pagpapakawala ng tubig ng mga dams, dahan-dahan lang ayon sa Napocor

Chona Yu Oct 24, 2024
138 Views

TINIYAK ng National Power Corporation na dahan-dahan lamang ang pagpapakawala ng tubig ng mga dams sa Luzon para hindi malubog sa baha ang mga nasa mabababang lugar dahil sa bagyong Kristine.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Napocor Flood Operations Manager Maria Teresa Sierra na base na rin ito sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maagang magpakawala ng tubig at huwag nang paabutin sa spilling level.

Paliwanag pa ni Sierra, binago na rin ngayon ang protocol sa pagpapakawala ng tubig. Dati raw kasi, apat na oras lamang ang ibinibigay na palugit ng mga dam operators sa mga residente bago magpakawala ng tubig. Pero ngayon, ginawa na aniya itong 24 oras para makapaghanda ang mga maapektuhang komunidad.

Ayon kay Sierra, multi-purpose ang mga dam sa Luzon kung kaya kailangan na i-maintain ang water level nito at matiyak na may sapat na suplay ang Metro Manila maging ang Bulacan at Pampanga para naman sa irrigatin demands.

“Dito po papasok si NAPOCOR na flood control, so with the recent amendments of our protocols, we are working on it right now. So we… parang nagga-guarantee na ‘yung assurance sa mga downstream communities na ‘yung mga past experiences po natin with the dams marami po tayong mga lessons learned about it eh,” pahayag ni Sierra.

“So ‘yung pong ating protocols we need also to amend and adjust to accommodate po ‘yung changes po nito. So right now ‘yung assurance natin ay talagang as much as possible we would like to assure the communities na minimize na po ‘yung [measured water release] … unless we would be experiencing ‘yung sabihin natin na malakas na talaga na pag-ulan,” pahayag ni Sierra.