Romero

Pagpapalabas ng DSWD ng karagdagang P5B para sa 4Ps ikinagalak

Mar Rodriguez Aug 21, 2024
67 Views

𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗣𝗼𝘃𝗲𝗿𝘁𝘆 𝗔𝗹𝗹𝗲𝘃𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, i𝗸𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝗴𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗻𝗶 𝟭-𝗣𝗔𝗖𝗠𝗔𝗡 𝗣𝗮𝗿𝘁𝘆 𝗟𝗶𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗠𝗶𝗰𝗵𝗮𝗲𝗹 “𝗠𝗶𝗸𝗲𝗲” 𝗟. 𝗥𝗼𝗺𝗲𝗿𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗦𝗪𝗗) 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗮𝗴𝗱𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗻𝘁𝗮𝘄𝗶𝗱 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 (𝟰𝗣𝘀).

Ayon kay Romero, maituturing na napakahalagang inisyatiba ang hakbang na ginawa ng DSWD matapos aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng P5 bilyon para sa karagdagang pondo para sa 4Ps na naglalayong labanan ang kahirapan at karukhaan.

Sabi ni Romero, malaki ang maitutulong ng naturang halaga upang maibsan kahit papaano ang epekto ng inflation.

Paliwanag pa ni Romero na iniulat din ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa kaniyang nakaraang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo na higit 420,000 households ang nagsitapos mula sa 4Ps o kaya ay na-asses bilang mga self-sufficient.

Bilang Chairperson ng Committee on Poverty Alleviation, sinasang-ayunan nito ang pagpapalakas ng karagdagang pondo upang mapanatili ang operasyon ng programa upang mas maabot pa nito ang maraming mahihirap na pamilya.