Pagpapalakas ng kooperasyon ng PH, Zimbabwe pinaboran ni PBBM

Neil Louis Tayo Aug 12, 2023
220 Views

PABOR si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang bilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Zimbabwe.

“I hope that we will find many things to explore,” ani Pangulong Marcos kay Zimbabwean non-resident Ambassador-Designate to the Philippines Constance Chemwayi sa pagbisita nito sa Malacañang kamakailan.

Pinagdiwang ng Pilipinas at Zimbabwe ang ika-43 anibersaryo ng diplomatic relations nito na naging pormal noong Abril 18, 1980.

“I hope that your coming today will be the beginning of that close ties,” sabi ng Pangulo kay Chemwayi na nagpasalamat naman sa mainit na pagtanggap sa kanya.

Sinabi ni Chemwayi na nais nitong palawakin ang kaalaman na matututunan ng Zimbabwe mula sa Pilipinas.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos na handa ang Pilipinas na tumulong sa Zimbabwe.

“Like you, we are prioritizing agriculture. And in fact, it is both the supply and the price of agricultural commodities. And with that, we talk not only about products, but even the inputs such as fertilizer. I think we are all undergoing that,” dagdag pa ng Pangulo. “So, I hope that we can find a way. We happen to have a very well-developed research and development and schools that have been actually the premier schools for agriculturists and agronomists here in Asia.”