Calendar
Pagpapalakas ng mga LGUs sa mga batang atleta sinang-ayunan ni Romero
BILANG isang “sports enthusiast”. Sang-ayon si 1-PACMAN Party List Rep. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., sa naging pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard “Dickie” Bacman para sa mga local government units (LGUs) na kailangang alagaan at palakasin nila ang mga kabataang atleta sa kanilang mga lugar sa pamamagitan ng “Batang Pinoy”.
Ayon kay Romero, chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, napakahalaga umano na maalagaan at mapalakas ng mga LGUs ang mga batang atleta sa kanilang mga lugar upang maihanda sila sa mga sports events na lalahukan ng Pilipinas sa darating na hinaharap.
Ipinaliwanag ni Romero na unti-unti ng nagre-retiro ang mga kilala at sikat na Filipino athletes tulad nina Manny Pacquiao para sa larangan ng boxing, Efren “Bata” Reyes para sa billiard at iba pang mga atletang Pinoy kaya napakahalaga aniya na ngayon pa lamang ay makapag-develop na ng susunod na henerasyon ng mga atleta na magbibigay ng karangalan para sa Pilipinas.
Sinang-ayunan din ng kongresista na malaki ang maitutulong ng pambansang programa para makapag-hubog ng mga bagong atleta na susunod sa yapak nina Pacquiao at Reyes at pang mga atletang Pinoy na nagbigay ng malaking karangalan para sa ating bansa.
Sabi din ni Romero na dapat matulungan din ang lahat ng mga LGUs sa aspeto ng pagpapalago at pag-implementa sa iba’t-ibang sports development programs.
To God be the Glory