Magsino1

Pagpapalakas ng mga programa sa mga OFWs sa Kuwait isinusulong ni Magsino

Mar Rodriguez Jun 27, 2024
138 Views

๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—จ๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ป๐—ถ ๐—ข๐—™๐—ช ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜€๐—ฎ “๐——๐—ฒ๐—น ๐— ๐—ฎ๐—ฟ” ๐—ฃ. ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ผ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ผ ๐˜„๐—ฒ๐—น๐—ณ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ข๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ฒ๐—ฎ๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ (๐—ข๐—™๐—ช๐˜€) ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ถ๐˜.

Ang naging pahayag ni Magsino ay sa kabila ng ginawang pag-lift o pag-kansela ng Kuwaiti government sa mahabang panahong kanselasyon ng pag-iisyu nila ng “entry visa” at “worker visas” para sa mga OFWs na nagta-trababo sa nasabing bansa.

Ayon kay Magsino, mismong ang Department of Migrant Workers (DMW) ang nag-kompirma patungkol sa muling pagbubukas o “reopening” ng deployment o ang pagpapadala ng mga OFWs sa Kuwait.

Sabi din ni Magsino na para naman sa deployment ng mga “household service workers” ang papayagan lamang ng Kuwaiti government ay yung mga Pilipinong dating ng may work experience o nakapag-trabaho nana bilang isang household worker.

Sabi pa ng kongresista, marami sa mga Pilipino ang talagang sabik na sabik na makabalik sa kanilang naudlot na trabaho sa Kuwait. Ang pagpapatuloy ng kanilang dating trabaho ang magbibigay sa kanila ng pagkakataon para muling matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya dito sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Magsino na sa pagkakataong ito, kinakailangan na aniyang magkaroon ng mas malakas na protection para sa mga OFWs na nagnanais muling magtrababo sa Kuwait.

“Thank you Kuwaiti government. Big thanks to the DMW, Department of Foreign Affairs (DFA) and hardworking Embassy and MWO officials in Kuwait in making sure that the Filipinos will have available livelihood in Kuwait and will still be part of host country’s deployment of Filipino workers,” ayon kay Magsino.