Martin Nag-courtesy call si. Zsolt Nemeth, Chairman ng Foreign Affairs Committee ng Hungarian National Assembly, kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez Miyerkules ng hapon sa Speaker’s office sa Kamara de Representantes. Kuha ni VER NOVENO

Pagpapalakas ng relasyon ng PH, Hungary tinalakay sa pagkikita ni Speaker Romualdez, Hungarian MPs

Mar Rodriguez Jan 16, 2025
10 Views

MAINIT na tinanggap ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang delegasyon ng Hungarian Member of Parliament sa pangunguna ni Zsolt Németh, Chairman ng Foreign Affairs Committee ng National Assembly ng Hungary.

Sinabi ni Speaker Romualdez na natalakay sa pagkikita ang pagpapalakas ng bilateral cooperation ng Pilipinas at Hungary.

“It is a pleasure to meet Chairman Zsolt Németh and discuss the numerous opportunities to strengthen our partnership. Hungary has been a steadfast friend to the Philippines, and I look forward to further deepening our cooperation in the years to come,” ani Speaker Romualdez.

Pinuri ng lider ng Kamara ang pagpapatuloy ng high-level exchanges sa pagitan ng dalawang bansa kasama na ang pagbisita ni Hungarian Foreign Minister Péter Szijjártó sa Pilipinas noong Hunyo 2023.

“These visits reflect the strong diplomatic ties and mutual respect between our nations,” sabi ng lider ng Kamara.

Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang mga hakbang na ginawa ni Hungarian Deputy Speaker Istvan Jakab na bumisita sa bansa noong 2021 at ni dating Philippine Senate President Juan Miguel Zubiri na nanguna sa delegasyong pumunta sa Hungary noong 2019 at 2023.

Upang mapanatili ang matibay na relasyon ng dalawang bansa, sinabi ni Speaker Romualdez na itatayo ang Philippines-Hungary Parliamentarians’ Friendship Group sa Kamara de Representantes matapos ang May 2025 midterm elections.

“Your visit today is an important addition to our interparliamentary relations, and I am confident it will pave the way for more meaningful exchanges,” dagdag pa nito.

“We look forward to the formation of this group,” tugon naman ni Chairman Németh.

Sinabi ng lider ng Kamara na ang Hungary ang ika-14 na pinakamalaking trading partner ng Pilipinas sa mga bansa sa EU noong 2023.

Kumpiyansa si Speaker Romualdez na mapalalakas pa ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa at maibebenta sa Hungary ang mga produkto ng Pilipinas gaya ng mga electronic equipment, machinery, optical products, at medical instruments.

“The recent Philippines-Hungary business forum held during the 6th Meeting of the Joint Commission for Economic Cooperation in December 2023 is a testament to our growing economic ties,” sabi pa ni Romualdez.

Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang pagsuporta ng Hungary sa kasalukuyang negosasyon para sa PH-EU Free Trade Agreement.

Nagpahayag din ng kumpiyansa si Chairman Németh na matatapos na ang PH-EU FTA ngayong taon.

Nagpasalamat din si Speaker Romualdez sa Hungary sa pagtanggap sa may 11,600 na Pilipino doon at sa pagsuporta para sa pagbubukas ng Philippine Migrant Workers Office sa Budapest.

“Our overseas Filipino workers contribute significantly to Hungary’s economy and society, and we thank the Hungarian government for its continued assistance,” ani Speaker Romualdez.

Sinabi naman ni Chairman Németh na kinikilala ng mga employer sa kanilang bansa ang galing sa pagtatrabaho ng mga Pilipino.

Pinasalamatan din ni Speaker Romualdez ang Hungary sa pagsuporta sa Pilipinas na magkaroon ng upuan sa United Nations Security Council sa 2027 hanggang 2028.

Bilang papasok na ASEAN chair sa 2025, iginiit ni Speaker Romualdez ang pagnanais ng Pilipinas na mapalaganap ang inclusive at innovation-led growth, maparami ang suplay ng pagkain at mapatibay pa ang maritime cooperation ng mga bansa.

Pinuri rin ni Speaker Riomualdez ang intensyon ng Hungary na sumang-ayon sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia, kasabay ng kanyang paggiit ng kahalagahan ng regional partnership.

Nagpasalamat si Speaker Romualdez kay Chairman Németh sa pagbisita nito at pagsuporta sa pagpapalakas ng partnership ng Pilipinas at Hungary.