Pacquiao

Pagpapalawig ng suporta ng pamahalaan sa LGUs para sa super health centers sinang-ayunan ni Pacquiao

Mar Rodriguez Mar 15, 2025
19 Views

TACLOBAN CITY — Nakikiisa si “Pambansang Kamao” at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao sa panawagan ng kaniyang mga kasamahan sa administration senatorial line-up na kailangang mas palawigin pa ang suporta ng pamahalaan para sa mga Local Government Units (LGUs) upang mapanatili ang mga suoer health centers.

Sabi ni Pacquiao na kinakailangan talagang isulong ang pagpapa-igting ng health care program para sa mga LGUs kung saan, ang mga super health centers ay itataguyod para makapagbigay ng pangunahing serbisyong medikal kabilang na dito aniya ang konsultasyon, laboratory tests at minor procedures.

Paliwanag ni Pacquiao na ito ay magsisilbing malaking tulong para sa mga mamamayan partikular na para sa mga mahihirap o magiging alternatibo sapagkat laging puno ng napakaraming pasyente ang mga pampublikong Ospital.

Ayon sa dating senador, maganda man ang layunin ng pagkakaroon ng super health centers, hhindi naman maikakaila ang katotohanan na maraming LGUs ang hindi na ito mapanatili dahil sa kakulangan ng pondo habang kulang din ang mga medical personnel.

Ipinahayag pa ni Pacquiao na ang pagkakaroon o pagtatayo ng super health centers ay nagsisilbing isang malaking burden o pasanin para sa mga LGUs. Sapagkat sila na ang naghahanap ng mga doktor, nurse at sila na rin ang magme-maintain ng pasilidad sa kabila ng wala silang kapasidad para dito.

Kaya para kay Pacquiao, hindi dapat iiwan na lamang ng Department of Health (DOH) ang responsibilidad sa operasyon ng super health centers sa mga LGUs.

Pagdidiin pa ng tinaguriang “The people’s champ” na hindi dapat pabayaan ng Health Department ang mga LGUs sa pagpapatakbo ng mga super health centers na parang sinasabi narin nito aniya na “bahala na sila sa pagpapatkbo nito” at wala na silang paki-alam.