Villar

Pagpapalawig sa Centenarians Act of 2024 para sa mga senior citizens ikinagalak ni Villar

Mar Rodriguez Feb 28, 2025
93 Views

Villar1NAGPAHAYAG ng labis na kagalakan si House Deputy Speaker at Alyansa Para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Camille A. Villar patungkol sa napipintong implementasyon ng pinalawig na “Centenarians Act of 2024” o ang Republic Act No. 11982.

Sinabi ni Villar na ang pinalawig sa “Centenarians Act of 2024” ay nagpapakita lamang ng malasakit at pagmamahal ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. para sa mga Senior Citizen na umedad na ng 80 anyos pataas.

Dahil dito, ipinaliwanag ni Villar na naa-akma ang pagpapatupad nito dahil kinakailangang ipagkaloob ang karagdagang benepisyo para sa mga Lolo at Lola bilang bahagi narin ng tradisyon nating mga Pilipino na pagmamahal sa mga matatanda.

“It’s about time we put to work the law providing additional benefits for our Lolo’s and Lola’s – our Senior Citizens. They deserve the best, we just follow the heart of Filipino tradition to continue to provide care, love and respect to our Senior Citizens,” wika ni Villar.

Sabi pa ng Senatorial candidate na inabot na ng mga Lolo at Lola ang takip-silip sa kanilang buhay. Kaya ngayon pa lamang ay dapat ng maiparamdam at napakita na sa kanila ang pagmamahal upang maibsan ang kanilang financial burdens.

“Now they have reached their sunset years. We must let them know how much we care for them and ease their some of their financial burdens. Ito ang tamang panahon para sila ay ating matulungan,” sabi pa nito.

Sa ilalim ng batas, ang isang Senior Citizen ay makakatanggap ng P10,000 cash benefit kapag inabot na nito ang edad na 80. Matatanggap din nito ang parehong halaga kada limang taon hanggang sa abutin nito ang edad na 95 at P100,000 naman kapag siya ay umabot ng 100 anyos.