Calendar

Pagpapalaya sa 17 OFWs sa Qatar ikinagalak ni Magsino
BILANG kinatawan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs), ikinagagalak ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino ang ginawang pagpapalaya ng Qatar government sa 17 Pilipino na dinakip kamakailan matapos silang magsagawa ng hindi awtorisadong kilos protesta bilang suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nauna rito, ipinahayag ng pamahalaan na pinalaya na ng Qatar government ang 17 OFWs na inaresto sa nasabing bansa. Gayunman, ipinabatid na hindi narin sasampahan ng kaso ang dinakip na Pilipino dahil sa illegal assembly.
Dahil dito, naniniwala si Magsino na ang desisyon ng Qatari government na huwag ng magsampa ng kaso laban sa mga naturang Pilipino ay inaasahang lalo pang magpapatibay sa magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Quatar.
Pinayuhan naman ni Magsino ang mga OFWs na magsilbi sanang aral para sa kanila ang nangyari sa labing-pitong Pilipino sa Qatar sa pamamagitan ng pagsunod nila sa batas at alituntunin na ipinatutupad ng bansang pinagta-trabahuhan nila upang makaiwas sila sa problemang katulad nito.
Samantala, nilibot ni Magsino ang kabuuan ng Paco Market upang makaharap ang mga mamimili at manininda kasabay ng pagpapahayag nito ng kaniyang commitment para matulungan hindi lamang ang mga OFWs bago kasama na ang sektor ng mga magsasaka.
To God be the Glory