Catapang

Pagpapalaya sa edad 70 pataas pinag-aaralan ng BuCor

266 Views

Pinag-aaralan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang panukala na palayain na ang mga preso na edad 70-taong gulang na matagal ng nakakulong upang mapaluwag ang mga kulungan sa bansa.

Ayon kay BuCor officer-in-charge General Gregorio Catapang Jr. ginawa na ito noong panunungkulan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Makababawas umano ang pagpapalaya sa mga matatandang preso sa siksikan sa loob ng mga piitan.

Ang bilang umano ng mga nakakulong ay tatlong beses ang dami sa inirekomendang dami ng mga nakapiit.