Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Naujan

Pagpapalikas ng mga taga-Naujan maagang pinatupad

Helen D. Prado Sep 26, 2025
359 Views

ORIENTAL Mindoro–Maagang nagsimula ang preemptive evacuation ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Naujan, Mindoro Oriental noong Biyernes.

Unang inilikas ang mga residente ng Brgy. Estrella sa Naujan na nakatira sa tabing-dagat dahil sa abiso na posibleng magkaroon ng storm surge sa mga baybaying dagat ng dahil sa bagyong Opong.

Dinala ang mga pamilyang lumikas sa Mega Evacuation Center sa Brgy. Santiago upang masigurong ligtas sila.

Patuloy ang pagkilos ng iba pang MDRRMOs sa bawat bayan sa para masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga kababayan.

“Mag-ingat po tayong lahat,” paalaala ni Gov. Bonz Dolor.