Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
BBM2

Pagpaparami ng produksyon ng pagkain tugon para mapabagal inflation rate—PBBM

211 Views

ANG pagpaparami ng produksyon ng pagkain ang nakikitang solusyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mabagal ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sinabi ito ni Pangulong Marcos matapos na maitala ang 8.1 porsyentong inflation rate noong Disyembre 2022, mas mataas ng 0.1 porsyento kumpara sa naitala noong Nobyembre 2022.

Paliwanag ng Pangulo ang pagtaas ng presyo ng pagkain ang pinakamalaking contributor ng 8.1 porsyentong inflation rate.

“At least 8.1, nag-increase lang ng .1 and the rate of increase is slowing. It’s still agricultural products: 38 percent, 11 percent is fuel, 38 percent is agricultural products pa rin,” ani Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na nais ng kanyang administrasyon na maparami ang suplay ng pagkain at malimitahan ang pag-angkat nito.

“Kaya’t kailangan talagang ayusin yung production natin kasi import tayo nang import kaya yung inflation dun sa ini-import-an natin ay nadadala dito sa Pilipinas,” sabi ng Pangulo. “Kaya, we have to improve our production, we have to improve all of that kaya naman talagang central ang agriculture sa lahat.”