Calendar
Pagpapatatag ng alyansa para sa kapayapaan isusulong ni PBBM
PATULOY na isusulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkakaroon ng kapayapaan sa loob at labas ng bansa.
Ayon sa pangulo ang pagkakaroon ng kapayapaan sa loob ng bansa at ang pagpapatatag ng relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa para mapanatili ang kapayapaan ay magiging mahalaga sa pag-abot ng kaunlaran.
“As President, I assure you that this administration will always advocate for peace and unity. Domestically, we will strengthen our peace-building efforts, especially in conflict-affected areas,” sabi ni Marcos sa ika-78 taong komemorasyon ng Leyte Landing sa Palo, Leyte.
Susuportahan din umano ng administrasyon ang pagpreserba sa mga historical at cultural site ng bansa.
Ayon sa Pangulo ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagturo sa mga bansa na maaaring maiwasan ang paghihirap ng kanilang nasasakupan kung bubuksan ang kanilang mga puso at isipan at magkakaroon ng kooperasyon para sa kapakinabangan ng lahat.
Kinilala rin ng Pangulo ang katapangan at kabayanihan ng mga beterano ng gera na nakipaglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na mahalaga umano sa tinatamasang kapayapaan ng bansa ngayon.
“I likewise assure that the Philippine Government shall continue to look after the welfare of our war veterans,” dagdag pa ng Pangulo. “Although we can never truly repay the price they paid for their gifts of peace and freedom, we can honor their heroism and their memory by continuing the great work they began.”