Salceda

Pagpapataw ng malaking tax para sa mga mayayaman tututukan ng Committee on Way and Means

Mar Rodriguez Jun 23, 2023
142 Views

TUTUTUKAN at gagawing priority ng House Committee on Ways and Means ang pagpapataw ng malaking buwis o tax para sa mga mayayaman partikukar na sa mga tinatawag na “very rich people” na nagma-may ari ng malalaking negosyo para mas lalo pa nitong mapalago ang ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Albay 2nd Dist. Congressman Joey Sarte Salceda, Chairman ng Ways and Means Committee sa Kamara, na kasalukuyan na nilang pinag-aaralan ang pagpapataw ng buwis o malaking tax para sa mga mayayamang pamilya sa bansa lalong lalo na ang mga nagma-may ari ng malalaking negosyo o ang mga tinatawag na “big time” businessmen.

“The Committee will prioritize tax measures that are clearly progressive and hit the rich first. Tax panel is open to junk food, but will prioritize taxes that hit reach people,” ayon kay Salceda.

Kabilang sa mga mayayamang pamilya o very rich family ay nagma-may ari ng malalaking shopping malls, restaurants, mga sikat na supermarkets o groceries, fast food chains at iba pang malalaking negosyo sa Pilipinas.

Kasabay nito, ipinahayag din ni Salceda na bukod sa pagpapataw ng buwis sa mga mayayamang pamilya. Nais din tutukan ng nasabing Komite ang pagpapataw naman ng buwis o tax sa mga junk foods o chicheria na kinahuhumalingan ng mga kabataan batay sa isusumiteng formal proposal ng Department of Finance (DOF).

“We have not received the proposal yet. But when we do, it will go through the usual tests the committee applies. Who pays for it? What are its macro-economic impacts? What are the costs and benefits? What are other countries doing? And what do we do if something goes wrong?” Sabi pa ni Salceda.

Ipinaliwanag ng Bicolano congressman na ang magiging desisyon ng House Committee on Ways and Means kaunay sa imposition ng tax sa mga junk foods ay dedepende aniya sa datos na makukuha nila kasabay din ng pagpapataw ng buwis sa mga matatamis na inumin po “sweetened beverages”.

“The decision of course will depend on data. We are just in the median of obesity rates in the region. While having the highest sweetened beverage levels in ASEAN,” Dagdag pa ni Salceda.