Villar

Pagpapatuloy ng imprastruktura sa buong bansa, iginiit ni Sen. Mark Villar

238 Views

IGINIIT ni Sen. Mark A. Villar ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng pagsasa ayos ng mga imprastructura ng bansa kung saan ay nagsumite siya ng panukalang Build, Build, Build Act para maisagawa ang 30-Year National Infrastructure Program sa aniya pagpapatuloy ng kaunlaran sa bansa.“Importante po na isulong natin sa Senado

ang Build, Build, Build program, dahil ang pagkakaroon ng pangmatagalang plano para sa programang pang-imprastraktura ay makakapagpalago ng ekonomiya ng bansa. It will ease the much-needed improvement of the nation’s roads, bridges, and other structures, while it aims to give thousands of jobs to the Filipino people,” ani Villar.

Sa kanyang panukala ipinaliwanag ni Villar na kailangan ng maayos na polisiya at stratehiya na dapat gawin ng gobyerno para aniya makita ang mga prioridad sa pagsasagawa ng mga imprastruktura sa bansa.

Ayon pa kay Villar, ang pagsasaayos ng mga kalye ay makatutulong sa mabilisan paggalaw ng ating ekonomiya gayundin ang ating transportasyon, enerhiya, pinagkukunan ng tubig, ang impormasyon at kommunikasyon, teknolohiya gayundin ng iba pang mga basic overhead facilities sa bansa.

“In the past six years, the Filipino people have seen and experienced the impact of the Philippines’ Golden Age of Infrastructure. The Build, Build, Build program of the government resulted in the creation of hundreds of ports, thousands of roads and bridges, and millions of jobs. As the country welcomes a new administration, it is important to keep the momentum going by uniting behind this advocacy and bringing it to new heights not only for us but also for the generations to come,” dagdag pa ng batang Villar.

Matatandaan na nagsilbi si Sen. Mark Villar bilang sekretaryo ng Department of Public Works and Highways sa ilalim ng Duterte Administration kung saan ay naisakatuparan ang rehabilitasyon ng mga major highways, farm-to-market roads, bridges, gayundin ng mga diversion roads sa economic zones, at mga lugar na na itinuturin na tourism destinations.

“As I advocate for lasting reforms in the infrastructure sector of the country, I am certain that with the passage of this bill, we will encourage investors, facilitate job creation, boost economic growth, and most importantly, improve the quality of life in both the urban and rural areas of the country.” giit ng senador.