Romero

Pagpapatuloy ng Manila Bay reclamation project ikinagalak ng House Committee on Poverty Alleviation

Mar Rodriguez Dec 14, 2023
142 Views

Romero1Romero2IKINAGALAK ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Cong. Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang pagpapatuloy ng Manila Bay reclamation projects bunsod ng maraming trabaho na maibibigay nito para sa mga mahihirap at maralitang Pilipino.

Sinabi ni Romero na ang kaniyang pangunahing concern ay ang maraming trabaho na posibleng maibigay ng nasabing project. Sapagkat ang pagkakaroon ng mga trabaho para sa mahihirap na mamamayan ang pinaka-mainam o tinatawag na “best solution” para matugunan ang kahirapan o poverty.

Ipinaliwanag din ni Romero na maging ang ibang mga bansa katulad ng Singapore at Tell Aviv ay nakakakuha ng malaking pakinabang mula sa mga reclamation projects particular na para sa Pilipinas na maraming Pilipino ang nakatengga lamang dahil sa kawalan ng mapapasukang trabaho.

Samantala, itinanghal naman si Romero bilang Most Oustanding Congressman 2023 sa ginanap na Nation Builder Awards.

Ayon kay Romero, ang award na kaniyang tinanggap ay bilang pagkikila sa kaniyang hindi matatawarang serbisyo at paglilingkod para sa napakaraming mahihirap na mamamayan lalo na ang mga maralita.