Dy

Pagpasa ng Kongreso sa Magna Carta for Bgys inaasahan

Mar Rodriguez Jan 11, 2023
277 Views

OPTIMISTIKO ang isang kongresista na maipapasa sa pagpapatuloy ng session ng Kamara de Representantes ang kaniyang panukalang batas na naglalayong gawing “regular employee” ng gobyerno ang mga Barangay officials sa ilalim ng “Magna Carta” for Barangays.

Sinabi ni Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A. Dy V na kasunod ng nakatakdang pagpasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Magna Carta for Barangay Health Workers para sa ikatlo at huling pagbasa sa muling pagpapatuloy ng session nito sa Enero 23, 2023.

Umaasa si Dy na maipapasa rin ng Kamara de Representantes ang isinulong nitong House Bill No. 1204 na naglalayong maging regular employees ng pamahalaan ang mga Barangay officials na magkakaloob sa kanila ng “fixed salary, insurance at retirement benefits”.

Binigyang diin ni Dy na laging naka-umang sa panganib ang buhay ng mga Barangay officials sapagkat sila aniya ang kauna-unahang rumeresponde sa kanilang lugar sa oras ng pangangailangan.

Kung kaya’t napakahalaga o “crucial” ang kanilang trabaho sa komunidad.

“Our Barangay officials are the first responders to any concern that the community faces. They do not have regular hours because their duties are closely linked with the life of the community. Yet, for such a crucial job they only get paid a pittance,” sabi ni Dy.

Ipinaliwanag ni kongresista na ito na aniya ang tamang panahon upang maituwid ang ganitong kalakaran. Kung saan, ang pagpasa sa HB No. 1204 ang magsisilbing indikasyon na magpapahiwatig ng isang malaking pasasalamat sa ibinibigay na serbisyo at paglilingkod ng mga Barangay officials.

Sinabi pa ni Dy na nakapalaoob din sa panukalang batas ang pagbibigay ng karampatang serbisyo sa mga barangay. Katulad ng pagkakaroon ng mga basic services at facilities gaya ng drinking wáter, transportation, mga paaralan at iba pang mga pasilidad.