Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez

Pagpasa ng nalalabing LEDAC bills tiniyak ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Jul 23, 2023
208 Views

MULING tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na aaprubahan ng Kamara de Representantes ang siyam sa 44 na nalalabing panukala na napagkasunduan aprubahan sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

“We have walked the talk on helping the President legislate his priorities. We have delivered on our promise,” ani Speaker Romualdez, lider ng 312 miyembro ng Kamara.

Ayon kay Speaker Romualdez ang mga panukala na hindi pa naipapasa ng Kamara ay ang Natural Gas Industry Enabling Law, Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System Bill, National Employment Action Plan, Department of Water Services and Resources, amyenda sa Electric Power Industry Act, Anti-Agricultural Smuggling Act, Budget Modernization, National Defense Act, at Unified System of Separation, Retirement and Pension for Uniformed Personnel.

Mula sa 42 ay nadagdagan ng dalawa ang mga panukala na nais ipasa ng LEDAC. Dumagdag ang Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA) at amyenda sa Bank Secrecy Law na aprubado na ng Kamara at nakabinbin sa Senado.

Dahil dito, umakyat na sa 35 ang naipasa ng Kamara sa 44 priority bills ng LEDAC.

Bago natapos ang unang regular session ng 19th Congress noong Hunyo, naaprubahan na ng Kamara ang 33 sa naunang 42 LEDAC priority bills. Sa ikalawang pagpupulong ng LEDAC ay nadagdagan ito ng dalawa subalit kapwa tapos na rin ito ng Kamara.

Kasama sa 44 LEDAC priority ang apat na naging batas—ang SIM Registration Act, pagpapaliban ng Barangay / SK Elections, amyenda sa AFP Fixed Term Bill, Agrarian Reform Debts Condonation, at Maharlika Investment Fund.

Naratipika na rin ng Senado at Kamara ang bicameral conference report para sa panukalang Regional Specialty Centers in Hospitals at pirma na lamang ng Pangulo ang kailangan upang ito ay maging ganap na batas.

Ang iba pang LEDAC priority bills na natapos na ng Kamara ay ang Virology Institute of the Philippines, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA) (Package 4), National Disease Prevention Management Authority o ang Center for Disease Control and Prevention, Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART) Act, New Philippine Passport Act, Internet Transaction Act / E-Commerce Law, Waste-to-Energy Bill, Free Legal Assistance for Police and Soldiers, Apprenticeship Act, amyenda sa Build-Operate-Transfer (BOT) /Public-Private Partnership (PPP) Act, Magna Carta of Barangay Health Workers, Valuation Reform Bill (Package 3), Eastern Visayas Development Authority (EVDA), Leyte Ecological Industrial Zone, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE), Pagkakaroon ng National Citizens Service Training (NCST) Program, Magna Carta of Seafarers, E-Governance Act /E-Government Act, Negros Island Region, Rightsizing the National Government, Ease of Paying Taxes, Automatic Income Classification Act for Local Government Units, amyenda sa Universal Health Care Act, Infrastructure Development Plan/Build Build Build Program, National Land Use Act, Bureau of Immigration Modernization, at Philippine Salt Industry Development Act.

Sinabi ni Speaker Romualdez na ang mabilis na pagpasa ng mga panukala ay dahil sa pagsusumikap ng mga kinatawan ng Kamara.

“This will ensure exhaustive discussion and careful consideration of the measures, as well as give way to the deliberations of the 2024 General Appropriations Bill,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.