Romero1

Pagpasa sa Kongreso ng nat’l nutrition program para sa seniors ikinagalak

Mar Rodriguez Aug 15, 2023
287 Views

IKINAGALAK ng Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation na si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., ang pagkaka-apruba ng Kongreso sa panukalang batas para pagtibayin o pag-ibayuhin ang national nutrition program para sa mga senior citizens.

Sinabi ni Romero na layunin ng House Bill No. 8461 na lalo pang pagtibayin o pag-ibayuhin ang national nutrition program para sa mga senior citizens sa pamamagitan ng pagbibigay ng mandato sa National Nutrition Council, Department of Health (DOH) at lahat ng Local Government Units (LGUs).

Ipinaliwanag ni Romero na nakapaloob sa mandato ang gagawing paghahanda ng NNC, DOH at LGUs ng isang nutrition and wellness program na magsisilbing gabay o giya ng mga senior citizens para sa kanilang “nutrition balanced meal” na naglalayong maiwasan at malabanan nila ang malnutrition.

Ayon sa kongresista, ang national nutrition program ay maituturing na isang komprehensibong programa na naglalayong maisulong o mai-promote ang karapatan ng mga senior citizen para sa isang masustansiyang pagkain at pagkakaroon ng isang malusog o healthy na pamumuhay.

Bukod dito, layunin din ng House Bill No. 8461 na amiyendahan ang Republic Act No. 7432 o ang Senior Citizen Act.