Barbers

Pagpasok ng 41 foreign funded projects lalo pang magpapaunlad ekonomiya ng PH — Barbers

Mar Rodriguez Mar 15, 2024
110 Views

NANINIWALA si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace “Alas” S. Barbers na sa pamamagitan ng pagpasok ng nasa 41 foreign funded projects sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand Bongbong R. Marcos, Jr. pauunlarin pa nito ng husto ang ekonomiya ng bansa.

Dahil dito, pinapurihan ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang mabilis na pagpo-proseso ng Board of Investments (BOI) ng Department of Trade and Industry (DTI) sa 41 foreign funded projects na lalong makakapagpalakas o magpapaunlad sa ekonomiya ng Pilipinas.

“This will spur growth in our domestic market which really needs a boost at this point. Where we are faced with recurring inflation not just locally but also globally as a result of Ukraine war and the conflict between Israel and Palestinian militant group Hamas. This is a welcome development,” sabi ni Barbers.

Ikinagalak din ni Barbers, anak ng yumao at dating Sen. Robert “Bobby” Z. Barbers, ang naging report ng DTI na binigyan n anito ng tinatawag na “green lane certification” ang 41v proyekto noong nakaraang February 28, 2023 na isang indikasyon na marami pang proyekto ang darating.

Ayon kay Barbers, inaasahan na marami pang proyekto ang darating sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Marcos, Jr. na magbibigay naman ng positibong resulta para sa ekonomiya ng Pilipinas.

“This is a welcome development for all of us. And this is what we all need, we thank President Marcos, Jr. for doing all he can in enticing foreign direct investments to come. We also commend Speaker Ferdinand Martin Romualdez for the support in helping make this happen,” dagdag pa ni Barbers.

Sabi pa ng kongresista na sa kabuuan ay nasa 148 proyekto kung saan 46 sa ito ay kasalukuyang nasa proseso ng paggawa. Habang 102 naman anh kasalukuyang naka-pending parin at naghuhintay ng approval.