Garafil

Pagpunta ni PBBM sa Japan matapos manalasa ang bagyong Paeng fake news

205 Views
ITINANGGI ng Malacañang na pumunta si Pangulong Ferdinand R. Marcos sa Japan habang maraming Pilipino ang nahihirapan dulot ng pinaslang dala ng bagyong Paeng.

“Wala po sya sa Japan,” sabi ni Office of the Press Secretary officer-in-charge at Undersecretary Cheloy Garafil.

Noong Sabado ay pinangunahan ni Marcos ang pagpupulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan ito nagpahayag ng pagkadismaya at iginiit ang pangangailangan na makagawa ng pagbabago upang hindi na ito maulit.