Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Pinatubo

PAGSABOG NG PINATUBO GINUNITA

395 Views

Bilang paggunita sa ika-34 na taon ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo, nagsama-sama ang mga miyembro ng Press Photographers of the Philippines (PPI) bilang pagpupugay sa yumaong Joe Galvez ng GMA News sa isang photo exhibit ng kanilang mga dramatikong larawan na kuha sa kasagsagan ng pagsabog noong Hunyo 14, 1991. Pinangasiwaan ni Mike Pusing, na nagsilbing event coordinator noong ika-20 anibersaryo ng pagsabog noong 2011, ang aktibidad. Karamihan sa mga larawan ay nagpapakita ng dambuhalang itim na ulap na parang halimaw na dumadaluyong sa kapatagan, tila handang lamunin at sunugin ang dalawang sasakyang ginamit ng mga photojournalist sa pag-cover ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo, na noon ay unang sumabog matapos ang daan-daang taon ng pananahimik.