Bordado

Pagsama ng pirma ni Bordado hindi otorisado

Mar Rodriguez Jan 17, 2024
140 Views

Sa petisyon na kumukuwestiyon sa dagdag na unprogrammed appropriations

HINDI umano otorisado ang pagsama ng pirma ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. sa petisyon na kumukuwestyon sa legalidad ng ginawang pagdagdag ng Bicameral Conference committee sa unprogrammed appropriationsa sa 2024 General Appropriations Act (GAA).

Sa isang pahayag, sinabi ni Bordado na habang nirerepaso nito ang petisyon, isang senior staff ang nagpadala ng e-signature sa tanggapan ni Albay Rep. Edcel Lagman ng walang pahintulot mula sa kanya kaya inakala nito na tahasan nitong sinusuportahan ang petisyon.

Mayroon umanong ilang key points na nais ni Bordado na malinawan gaya ng paglalagay ng safeguard sa unprogrammed funds upang matiyak na magagamit ito ng wasto at hindi maging balakid sa pag-rekober ng bansa mula sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Bordado na maaaring kailangan ang unprogrammed funds upang magtuloy-tuloy ang economic activities sa bansa.

Halimbawa umano sa maaaring paggamitan ng unprogrammed funds ang pagbuhay sa Philippine National Railway South Long-Haul (PNR Bicol) railway project, isang proyekto na napakahalaga umano sa Bicol region.

Binanggit din ni Bordado ang pangangailangan na gawing moderno ang sektor ng agrikultura na hindi kayang pondohan ng GAA.