Martin3

Pagsasama nina PBBM, Speaker Romualdez sa Davos trip patunay ng pagkakaisa para sa pag-unlad ng bansa

155 Views

PINURI ng mga kongresista ang matagumpay na pagdalo nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pagsasama nina Pangulong Marcos at Speaker Romualdez ay patunay na mayroong pagkakaisa upang makahikayat ng mga mamumuhunan na kailangan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

“The President’s job of convincing foreign businessmen to invest here would be easier if he impresses them with a government that is acting as one in welcoming them. Congratulations President Marcos and Speaker Romualdez,” sabi ni Barbers.

Sinabi ni Barbers na ang pagsama nina Romualdez at Sen. Mark Villar ay patunay na handang tumugon ang Kongreso sa pag-apruba ng mga batas na kailangan at makatutulong sa paggulong ng ekonomiya.

Ayon naman kay Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. walang masama sa pagsama ni Speaker Romualdez sa biyahe ng Pangulo.

“There is nothing wrong for President Ferdinand Marcos Jr. to invite and for the Speaker to accept his invitation to join him in his visits. The President obviously wants him there so that a leader of Congress could immediately answer legislation-related questions,” sabi ni Gonzales.

Sinabi ni Gonzales na ginagamit ng Pangulo ang whole-of-government at whole-of-nation approach upang matugunan ang mga pangangailangan ng bansa.

“This tack has proven effective in addressing domestic concerns, as it calls for the collaboration of all sectors. The presence of the Speaker in presidential trips is proof of the cooperation and partnership of the executive and legislative branches of government,” dagdag pa ni Gonzales.

Ipinunto ni Gonzales na magandang maipakita sa mga mamumuhunan na ang buong gobyerno ay malugod na tumatanggap sa kanila.

“No investor in his right mind would sink his money in a nation with a fractious national leadership,” dagdag pa ni Gonzales.