Madrona

Pagsasanib puwersa ng DOT, Go Negosyo ikinagalak ng Committee on Tourism ni Cong. Budoy Madrona

Mar Rodriguez May 20, 2024
124 Views

IKINAGALAK ng chairman ng House Committee on Tourism na si Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang pagsasanib puwersa ng ng Department of Tourism (DOT) para sa Tourism Summit 2024.

Sinabi ni Madrona na ang collaboration o pagsasanib puwersa ng Tourism Department at Go Negosyo ay naglalayong talakayin ang mga oportunidad at mga kasalukuyang uso sa merkado para maisulong ang mga makabagong diskarte kung papaanong mas lalong mapapaunlad ang Philippine tourism.

Dahil dito, binigyang diin ni Madrona na optimistiko siya na maganda ang kinabukasan na naghihintay para sa turismo ng bansa dahil Narin sa pagtitipon ng nasa tinatayang 200 personalidad kabilang na ang malalaking business leaders mula sa iba’t-ibang industriya para sa pagsusulong ng oportunidad sa turismo ang pagkakaroon ng negosyo patungkol dito.

Ipinaliwanag pa ni Madrona na malaki ang paniniwala ng mga negosyante at stakeholders na kinakailangang mas lalo pang paunlarin at palaksain ang turismo ng Pilipinas dahil narin sa magandang potensiyal nito.

Muling iginiit ng Romblon congressman na ang Philippine tourism ang isa sa mga nagsisilbing “economic drivers” ng administrasyon ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa malaking ganansiya o kita na naiaambag nito at bumubuhay sa sa ekonomiya ng Pilipinas.

Nauna rito, ikinagalak din ni Madrona ang pahayag ni President Bongbong Marcos, Jr. sa idinaos na tourism summit na unti-unti ng nakaka-recover ang Philippine tourism matapos ang ilang taong pamumuksa ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Madrona na ang credit sa pagbangon ng turismo ng bansa ay dapat mapunta kay Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia-Frasco bunsod ng mahusay nitong pamamahala.