Martin

Pagsisikap nina PBBM at SFMR para maibsan ang kahirapan nararamdaman na ng mga Pilipino — Valeriano

Mar Rodriguez Jun 24, 2024
98 Views

Martin1𝗕𝗜𝗦𝗟𝗜𝗚 𝗖𝗜𝗧𝗬 — 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗮𝘆 𝘂𝗻𝘁𝗶-𝘂𝗻𝘁𝗶 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗿𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝗸𝗮𝗽 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗿𝘀𝗶𝗴𝗲 𝗻𝗶𝗻𝗮 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. a𝘁 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗚𝗼𝗺𝗲𝘇 𝗥𝗼𝗺𝘂𝗮𝗹𝗱𝗲𝘇 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗶𝗯𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝘁𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗼 𝗶𝗻𝗶𝗹𝘂𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗻𝗮 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼 𝗙𝗮𝗶𝗿 (𝗕𝗣𝗦𝗙) 𝘀𝗮 𝗶𝗯𝗮’𝘁-𝗽𝗮𝗻𝗶𝗴 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼.

Dahil dito, ipinahayag ni Valeriano, chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, na makikita sa presensiya ng napakaraming mamamayan o residente ng Bislig City na dumalo sa BPAF na walang epekto sa kanila ang mga ibinabatong paninirang puri at kritisismo laban kina Pangulong Marcos, Jr. at Speaker Romualdez na kagagawan ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Binigyang diin ni Valeriano na ang mahalaga para sa mga taong ito ay ang de-kalidad na serbisyong ibinibigay ng administrasyong Marcos, Jr. kaakibat ang House Speaker upang maipakita at maiparamdam sa mamamayang Pilipino na sinasero ang gobyerno na maibsan ang kahirapang nararanasan ng mahihirap na pamilya partikular na sa mga lalawigang gaya ng Bislig City at iba pang lugar sa CARAGA region.

Pinayuhan din ni Valeriano ang mga kritiko ng administrasyon na sa halip na bumatikos at magpakalat ng mga paninira laban sa pamahalaan mas makabubuti aniyang makiisa at makipagtulungan na lamang sila sa inilulunsad na BPSF nina Pangulong Marcos, Jr. at Speaker Romualdez upang mas marami pang mahihirap na mamamayan ang mabahaginan ng tulong at ayuda ng “Serbisyo Caravan” na dumadayo sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas.

“Sa ilang beses akong sumama dito sa Serbisyo Caravan. Nakita ko mismo na talagang dedicated ang ating pamahalaan na matulungan ang libo-libo nating mga kababayan na mahihirap. Talagang saksi ako na seryoso ang ating Pangulo at ang ating House Speaker na mabigyan ng kaginhawahan ang ating mga mahihirap na kababayan sa tulong nga nitong BPSF,” ayon kay Valeriano.

Sa ginanap na “Serbisyo Caravan”, tinatayang 90,000 beneficiaries ang nabiyayaan at nakinabang sa idinaos na tatlong araw na BPSF na ginanap sa Dela Salle John Bosco College sa Surigao del Sur kasunod ng naging tagumpay nito sa Tagum City, Davao del Norte matapos mabiyayaan naman dito ang nasa 250,000 residente sa kabila ng pagiging balwarte at teritoryo ni dating Pangulong Duterte at dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez ang nabanggit na lalawigan.

Nauna ng sinabi nj Valeriano na sa lahat ng idadaos na BPSF Serbisyo Caravan sa iba’t-ibang lalawigan. Mananatili aniya ang suporta nilang mga kongresista sa programang ikinakasa ng gobyerno para maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap na Pilipino.

“Sa mga ganitong pagkakataon. Full support kaming mga congressman dahil ito ang pamamaraan para maipakita natin sa ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez ang aming suporta sa kanilang mga pagsisikap para matulungan ang mga kaaawa-awa nating mga kababayan,” wika pa ni Valeriano.