Pagsusuot ng face masks sa open space hindi na mandatory

Anchit Masangcay Sep 13, 2022
243 Views

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order 3 kung saan ginagawang boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga open space, at outdoor area kung saan kokonti lamang ang tao.

Hinihimok naman ng EO 3 ang mga senior citizen, immunocompromised individuals, at mga indibidwal na hindi pa fully vaccinated laban sa COVID-19 na panatilihin ang pagsusuot ng face mask ay sundin ang physical distancing.

Mananatili naman ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor establishment maging ito man at pribado o pampubliko gayundin sa loob ng mga pampublikong sasakyan at sa mga outdoor area kung saan hindi magagawa ang physical distancing.

Ang EO 3 ay ipinalabas batay sa rekomendasyon ng DOH at Inter-Agency Task for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).