Pagsusuot ng facemask sa eskuwelahan hindi mandatory—DepEd

Arlene Rivera Nov 3, 2022
257 Views

PAPAYAGAN ng Department of Education (DepEd) ang pagtanggal ng facemask ng mga estudyante at guro kapag nasa klase.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa susunod ang ahensya sa Executive Order No. 7 na inilabas ng Malacañang kamakailan.

Sa ilalim ng EO 7 ay boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng facemasks sa mga indoor setting maliban na lamang kung nasa loob ng pampublikong sasakyan, medical vehicle at health facility.

Itinuloy ng DepEd ang pagpapatupad ng full face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan simula Nobyembre 2.

Ang mga pribadong eskuwelahan naman ay binigyan ng opsyon na ipagpatuloy ang blended learning modality.