Mapa

Pagtaas ng presyo ng bilihin bumagal—PSA

203 Views

BUMAGAL ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay National Statistician and PSA chief Claire Dennis Mapa ang inflation rate noong Marso ay naitala sa 7.6 porsyento mas mababa sa 8.6% na naitala noong Pebrero.

Pero mas mataas umano ito sa 4 porsyento na naitala noong Marso 2022.

Pasok naman ang naitalang inflation rate sa projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na aabot ito sa 7.4 hanggang 8.2 porsyento.

Ang pagbagal ng inflation rate ay bunsod umano ng mas mabagal na pagtaas ng presyo ng pagkain at non-alcoholic na inumin.