Briones

Pagtaas ng rape ng mga batang babae, lalaki tuldukan — Briones

174 Views

ANG pagtaas ng rape ay hindi lamang nangyayari sa mga babae kundi sa mga lalaki na kung minsan ay nauuwi pa sa pag-suicide ng biktima.

Ito ang ibinunyag ni dating DepEd Sec. Leonor Briones na nagsabing dapat talakayin ng gobyerno sa isang holistic na pamamaraan at dapat tuldukan sa tamang pamamaraan ang nasabing problema.

“We need to protect both girls and boys. Yes there are raping of girls but the raping of boys and torturing them was reportedly increasing and resulting to suicide,” paglalahad ni Briones sa gitna ng pagdinig na pinamumunuan ng Committee on Basic Education ni Senator Sherwin Gatchalian.

Ayon pa rin kay Briones, bagama’t mayroon ng tinatawag na comprehensive sexuality education program, marami pa ring mga guro ang hindi ito tinuturo dahil sa hindi sila komportable na pag-usapan ito sa kanilang mga estudyante.

Inamin ng mga guro na kulang sila ng tamang kaalaman at technique upang maipaunawa ito sa kanilang mga mag-aaral.

“Some teachers refuse to discuss this matter. While other schools just expel students when they become pregnant. It is a rising problem and media should be responsible and should also take this as a challenge to educate our children and our people. Children must be able to distinguish if they are being touched and what kind of touch that they are getting. We should give them the right education if the touch is bad or good and if the touch is malicious which sometimes they get from their own relatives and friends, we should teach them what to do and where to go and who to contact. Information will help our children fight for what is right.” paglalahad ni Briones.

Ibinulgar din niya na may isang insidente pa na ang isang suspek sa rape na isang school authority ay hindi kaagad nabigyan ng korte ng hatol at nakapag-abuso pa umano ng lima pang mga biktima dahil sa tagal ng pagbibigay ng tamang parusa ang korte sa kinakaharap na kaso nito.

“There should be no delay in dealing with this. The government must protect our children,” ani Briones.

Nanawagan naman si Sen. Gatchalian sa Department of Education na muling bisitahin ang comprehensive sexuality education program upang maiwasan aniya ang patuloy na pagbagsak ng maraming estudyante babae na humihinto na sa pag aaral matapos mabuntis.

Ayon sa senador na siyang dumidinig sa Committee on Basic Education on the analysis of the Programme for International Student Assessment (PISA) 2022 Results for the Philippines, nakakalungkot aniya na ang dapat sana’y magandang kinabukasan ng mga batang babae na ito ay nawawala na dahil sa isang pagkakamali at maagang pagbubuntis na dapat ay ituwid at remedyuhan sa tulong ng DepEd at ng pamahalaan.

“If they are not aware of sex education, not aware of their bodies, not aware of the perils if they get pregnant early, they would drop out. The problem with that is they will never go back to school.

The way forward is to prevent,” pahayag ni Gatchalian sa ginagawang pagdinig.

Ayon naman kay Dr. Gladys Nivera, tama umano ang pananaw ni Briones kung saan ay kinumpirma niyang totoo ang lumalalang rape sa mga lalaki partikular sa mga tinatawag na gay na diumano’y nakakaranas ng pananakit at naaabuso sa loob ng mga palikuran o comfort room.

“Body shaming like bakla, taba, panot, etc., should be stop. It is high time that we raise this issue and media can help us disseminate the right information. We should teach everyone not to tolerate and accept this kind of bullying. Even some teachers and parents and siblings are fond of shaming kids who are helpless. We must put a stop on this kind of shaming.” giit ni Nivera kung saan ay hiningi niya rin ang tulong ng media upang palaganapin ang mga impormasyon para bigyan edukasyon ang lahat na masama ang dulot ng ganitong uri ng panghihiya.

Ayon naman kay Senate President Pro Tempore Loren Legarda dapat aniyang bigyan solusyon ang lumalalang problema sa teenage pregnancy at sexual abuse sa tulong at kooperasyon ng ibat ibang sangay ng gobyerno gaya ng Department of Education (DepEd), Department of Social Welfare and Development (DSWD), and Department of Justice (DOJ).

Hiningi din ni Legarda ang rekomendasyon at mga suhestiyon ng DepEd para masolusyonan ito sa lalong madaling panahon. “What are your prospective recommendations and solutions to address this? I am sure we did not just know where and sit idly by and witnessed it. You’ve done solutions within your power. And what is it that you want the Senate to do? As a body, as an institution, what kind of innovations and convergence do you want with the DSWD, with the DOJ, even with the police?” tanong ni Legarda.

“So we have a children and women’s desk and you (DepEd) should therefore teach sex education, not just for the girl children but also for the boys so that they will know what is applicable and what’s not should be done and what is proper and so that they could speak out. I know sometimes it’s cultural and it’s difficult,”dagdag pa niya.

Kinumpirma naman ni Dr. Estel Carino ng Cordillera region na isa sila sa apektado ng tumataas na early pregnancy kung saan ay inilahad din niya na madalas ang mga batang nakakaranas ng early pregnancy ay inabuso ng miyembro ng kanilang pamilya, kakilala o kaibigan magng ng mga kamag anakan at hindi aniya pwedeng pag usapan at itinatago na lamang. Madalas pa aniya ay nauuwi na lamang sa aregluhan at walang magawa at walang makuhang hustisya ang mga batang biktima ng naturang pagkakamali .

“Usually the child refused to cooperate because they are afraid and refuse to testify because they live in the same house with the abuser. The government must give them protection and hope. We should have this program to educate our children and convince them to go back to schools after the traumatic experience. Sex Education should be integrated in our school system. ” ani Carino.

Inamin naman ni Director Carl Santos na maraming mga guro ang hindi alam kung papaano ito ituturo sa kanilang mga estudyante at hindi rin alam ang mga isitilo na dapat gamitin para maging katanggap tanggap ito.

“Some teachers need help. They lack the proper education and right technique on teaching our children. They should be given the proper training on how to go about it,” pahayag ni Santos.

Nabulgar din sa pagdinig na napakataas ng mga batang lalaking humihinto sa pag-aaral sa National Capital Region kumpara sa mga babae base na rin sa datus.

Iminungkahi naman ni Dr. Lizamarie Oligario na bigyan din ng tamang edukasyon ang ating mga magulang sa isyu ng rape, pang-aabuso at bullying upang hindi nila ito itago at ikahiya lalo kung ang mga anak nila ay nakaranas nito. Sila din ani Oligario ang unang magtuturo sa mga bata upang lumakas ang loob ng mga ito na magtapat kung anong uri ng pang aabuso ang kanilang dinanas.

Para kay Sen Gatchalian dapat aniyang bigyan ng pansin ang gutom ng mga estudyante na nagiging dahilan para hindi pumasok sa kanilang isipan ang pinag aaralan sa eskwela lalo pa aniya kung walang laman ang mga tiyan nila na pumapasok sa eskwela kung kayat nahihirapan itong matuto.

“Hunger is related to grades. Some children come to school without eating and we cannot deny that nutrition to our learners is essential,” ani Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na igigiit niya na mas pag ibayuhin na aniya ang Universal Meal program ng gobyerno at kung maari pa itong palawakin ng husto at bigyan ng importansiya ang mga bata sa eskwela na ang dapat bigyan ng halaga ang tinatawag na “formation of the brain” na nabubuo sa murang edad at ang pagkain ng tama at masustansya ang siyang magiging sandalan nila para dito.