Ines Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Eric Ines Kuha ni JOSEPH MUEGO

Pagtaas ng terminal fee wala pang katiyakan — MIAA GM Ines

63 Views

NILINAW ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na panukala pa lamang at wala pang katiyakan kung kailan at magkano ang itataas na terminal fee sa mga pasahero at iba pang bayarin ng mga concessionaires sa Ninoy Aquino International Aiport (NAIA).

Ito ang naging pahayag ni MIAA General Manager Eric Jose Ines kasunod sa naiulat na posibleng tumaas ang fee sa susunod na taon.

Ayon kay Ines, sa kasalukuyan ay nasa P200 ang halagang babayaran sa terminal fee para sa domestic flight, habang P550 naman para sa international destination.

Ipinaliwanag ni Ines na ang eksaktong halaga ng pagtaas ng terminal fee at iba pang bayarin ng mga concessionaires ng paliparan ay aaprubahan pa ng gabinete.

Una nang binanggit ni Ines na dapat makita muna ang improvement ng paliparan bago ipatupad ang taas singil ng bagong mamamahala sa NAIA. Ni JOSEPH MUEGO