Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026
Calendar
Nation
Pagtalakay sa impeachment vs PBBM di sasalihan ni Rep. Sandro
Mar Rodriguez
Jan 26, 2026
142
Views
SINABI ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos na hindi siya lalahok sa pagtalakay sa impeachment complaint laban kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na kanyang ama.
Ayon kay Marcos, ang kanyang desisyong huwag lumahok sa pagtalakay hindi lamang usaping legal bagkus isang obligasyon para mapanatili ang integridad ng Kamara.
Sinabi din ng House Majority Leader na nais din niyang mapanatili ang kredibilidad ng pagpo-proseso sa impeachment complaint upang mapawi ang agam-agam na maaaring iniimpluwensiyahan nito ang nasabing pagtalakay.
“This decision is guided not by legal compulsion but by a higher obligation to preserve the integrity of the House of Representatives to protect the credibility of its process and to uphold the public’s trust in our constitutional system,” sabi ni Marcos.
Ang impeachment complaint laban sa Pangulo ay inihain sa Office of the Secretary General na siyang magdadala sa Office of the Speaker kung saan ang Speaker’s Office naman ang mag-aatas na isama ito ng House Committee on Rules panel sa order of business para mai-refer sa House Committee on Justice.
Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026

