Calendar
Pagtanggap ni Sec. Frasco ng 2 parangal pinapurihan ni Madrona
๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐จ๐ฅ๐๐๐๐ก ๐ป๐ด c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐บ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐ฅ๐ผ๐บ๐ฏ๐น๐ผ๐ป ๐๐ผ๐ป๐ฒ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐๐น๐ฒ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฟ๐ผ ๐๐ฒ๐๐๐ “๐๐๐ฑ๐ผ๐” ๐. ๐ ๐ฎ๐ฑ๐ฟ๐ผ๐ป๐ฎ ๐๐ถ ๐๐ฒ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐บ (๐๐ข๐ง) ๐ฆ๐ฒ๐ฐ. ๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐๐ถ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฐ๐ถ๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐๐ฐ๐ผ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐๐๐ถ๐๐๐ผ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ธ๐๐บ๐ถ๐ธ๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐๐๐ฎ๐ ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ-๐ฎ๐๐ผ๐ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ-๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐ปg ๐๐๐ฟ๐ถ๐๐บ๐ผ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ.
Ayon kay Madrona, hindi matatawaran ang ipinamalas na husay ni Frasco bilang Kalihim ng Tourism Department. Aniya, sapul ng manungkulan ito sa ahensiya ay napakalaki ng iniunlad ng Philippine tourism hindi lamang sa pagpasok ng napakaraming turista bagkos sa pamamagitan ng malaking revenues na napunta sa kaban ng pamahalaan.
Sabi ni Madrona, tinanggap ni Sec. Frasco ang dalawang parangal mula sa GovMedia Conference and Awards 2024 dahil sa mga programang isinulong nito. Kabilang dito ang Tourism Rest Area (TRA) na nagdudulot ng napakalaking ginhawa para mga dayuhan at lokal na turista.
Ipinaliwanag pa ng kongresista na dahil sa dalawang prestiyosong award na tinanggap ni Frasco, pinatutunayan lamang nito aniya na maganda ang kinabukasang naghihintay para sa Philippine tourism bunsod ng mahusay na pamamalakad o pagpapatakbo ni Frasco.
Dati nang sinabi ni Madrona na napakahusay na “sales lady” o ‘sales manager” ni Sec. Frasco dahil sa kaniyang kahanga-hangang talino para hukayatin ang mga dayuhang turista na mamuhunan sa tourism business industry at ang panghihikayat din nito para bumisita o mamasyal sa bansa.
Bukod kay Frasco, pinapurihan din ni Madrona si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa isinulong nitong Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) kung saan sa pamamagitan aniya ng programang ito ay napakalaking reporma ang nangyari sa turismo ng bansa bunsod ng pagdagsa ng milyon-milyong turista.
Naniniwala din si Madrona na ang natanggap na award ni Frasco ang magsisilbing inspirasyon nito para lalo pa nitong mapabuti at mapaunlad ang turismo ng bansa sa mga darating na panahon.