Hontiveros

Pagtanggi ng Pasig RTC sa piyansa kay Guo pinuri ni Sen. Risa

129 Views

PINAPURIHAN ni Senator Risa Hontiveros ang kamakailang desisyon ng Pasig Regional Trial Court na tanggihan ang piyansa kay Alice Guo, alias Guo Hua Ping, na naalis sa pwesto bilang alkalde ng Bamban, Tarlac, bilang isang mahalagang tagumpay sa laban kontra human trafficking.

Matatandaan na kinasuhan si Guo ng qualified human trafficking, isang non-bailable offense, na pumipigil sa kanya na makatakas sa mga legal na obligasyon sa batas, sa pamamagitan ng pinansyal na paraan, kabilang ang mga pondo na konektado sa mga Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Inilarawan ni Hontiveros ang desisyon ng korte bilang tagumpay para sa mga biktima, partikular sa mga na-exploit sa POGO scam hub sa Bamban.

Bilang may-akda ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act, ipinaabot ni Hontiveros ang kanyang kasiyahan na ang batas ay epektibong naipapatupad upang protektahan ang mga biktima.

Pinuri niya ang Department of Justice sa mabilis na aksyon sa kaso, kinilala ang masigasig na trabaho ng National Bureau of Investigation (NBI), Anti-Money Laundering Council (AMLC), at iba pang ahensya ng batas sa pagtuklas ng katotohanan.

Binibigyang-diin ni Hontiveros ang kahalagahan ng mga kolaborasyong ito na nagresulta sa pagsasampa ng kaso laban kay Guo at sa kanyang mga co-accused.

“The qualified human trafficking case filed against her is a non-bailable offense. Wala ka nang lusot,” sinabi ni Hontiveros, na humihimok kay Guo na gamitin ang nalalapit na mga pagdinig upang ganap na ipahayag ang mga detalye ng kanyang mga aksyon.

Ang kaso ay nagmula sa isang raid noong Pebrero 2023 sa isang POGO facility, kung saan higit sa 800 na suspek na biktima ang na-rescue.

Sa kasalukuyang, si Guo at ang kanyang 15 co-accused ay humaharap sa malubhang legal na pananagutan, kung saan ay nagpapakita ng mas malawak na pagtugis sa human trafficking sa Pilipinas.

Habang umuusad ang mga legal na proseso, naniniwala si Hontiveros na ang desisyon na ito ay napakahalaga para sa katarungan sa mga nabiktima ng mga ito at nakapagbigay mulat din sa malaking pansin mula sa publiko na mananagot ang mga may sala tulad nina Guo at mga kasabwat nito.