Barbers

Pagtatalaga ng DND ng Naval Detachment sa Casiguran, Aurora ikinalugod

Mar Rodriguez Mar 20, 2024
144 Views

IKINALUGOD ni Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace “Alas” S. Barbers ang pagtatalaga ng Department of National Defense (DND) ng Naval Detachment sa Casiguran, Aurora province na naglalayong maprotektahan ang kasarinlan at teritoryo ng Pilipinas sa Philippine Benham Rise.

Nananawagan din si Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, sa Defense Department upang maglagay din ng naval facility sa kanilang lalawigan (Surigao del Norte) sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) para mapangalagaan ang eastern seaboard nito.

Binigyang diin ni Barbers, anak ng yumaong Senator Robert “Bobby” Z. Barbers, na kulang ang seguridad at depensa ang “eastern seaboard” ng bansa na kinabibilangan ng Philippine Rise. Kaya malimit itong napapasok o nagkakaroon ng “ingtrusion” mula sa China at iba pang dayuhang bansa.

“Defense Secretary Gibo Teodoro and the AFP’s move to build a Naval Detachment in Casiguran, Aurira province was laudable as this would play a role in protecting and guarding the countries eastern seaboard. The Naval Detachment was part of the country’s Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC),” sabi ni Barbers.

Sinabi pa ng kongresista na ang Surigao del Norte ay nakaharap sa eastern seaboard o Pacific Ocean kaya kinakailangan itong mapangalagaan o kaya ay mabigyan ng proteksiyon laban sa panghihimasok ng anomang dayuhang bansa parikular na ang China na makailang beses ng pumasok sa teritoryo ng Pilipinas.

“Surigao del Norte has a distinct advantage as it is openly facing the Pacific Ocean and has an outlet to the West Philippine Sea, The ships can traverse the country from east to west and vice versa without needing to circle around,” dagdag pa ni Barbers.

Inaanyayahan din ni Barbers at kaniyang kapatid na si Surigao del Norte Gov. Lyndon Barbers ang mga Filipino at American military officials na bisitahin ang kanilang lalawigan bilang posibleng EDCA site.