Clarkson

Pagtatatag ng Department of Sports muling iginiit

Mar Rodriguez Sep 5, 2023
155 Views

BAGAMA’T nakasungkit ng isang panalo ang tropa ng GILAS Pilipinas kontra sa koponan ng China sa kasalukuyang 2023 FIBA World Cup. Subalit para kay 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., kinakailangan na talagang maipursige ang pagtatag sa Department of Sports.

Bunsod ng kalunos-lunos na kapalaran ng Gilas Pilipinas sa kasalukuyang FIBA World Cup matapos ang tatlong sunod-sunod na pagkatalo at nag-iisang panalo. Muling iginigiit ni Romero ang kahalagahan sa pagtatatag ng Department of Sports na nakapaloob sa inakda nitong House Bill No. 335.

Ipinaliwanag ni Romero na napapanahon na upang maisa-ayos ang sistema ng Philippine sports para maging “competitive” ang mga Pilipinong atleta sa mga lalahukan nitong international competition sa darating na hinaharap partikular na sa larangan ng basketball at iba pang sports events.

Binigyang diin ni Romero na ang nangyari sa tropa ng GILAS Pilipinas ay isang maliwanag na “eye opener” upang tuluyan ng mabago ang makalumang sistema sa pagpapatakbo ng Philippine sports sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mga Pinoy atleta sa isang puspusan at dibdibang pagsasanay o training.

Gayunman, sinabi din ni Romero na sasaklawin din ng pagtatatag ng Department of Sports ang pagpapahusay sa pagsasanay ng mga Pilipinong atleta upang sila ay mas lalo pang maging competitive sa mga international competitions gaya ng ipinamalas ng Olympian Gold Medalist na si Hidilyn Diaz.

“Ang husay at dedikasyon ng ating mga manlalaro ay nagdala na ng karangalan at inspirasyon sa buong bansa. Mula sa pagkamit ng ating unang Olympic Gold Medal sa Weightlifting ni Hidilyn Diaz hanggang sa mga makabagong kampeonato na sina Carlos Yulo, Alexa Eala at EJ Obiena,” ayon kay Romero.

Subalit sa kabila ng naging standing ng GILAS Pilipinas, optimistio naman si Romero na mas lalo pang magkakaroon ng improvement ang mga atletang Pinoy sa oras na tuluyan ng maitatag ang Department of Sports. Sapagkat ito aniya ang sus isa mas mataas na sports development sa bansa.

“Ngayon, mas malapit na tayo sa pagkakaroon ng sarili nating Department of Sports. Ito ang sus isa mas mataas na na antas ng sports development, magkakaroon tayo ng mas malawakang suporta, mas mabisang training programs at mas modernong pasilidad para sa ating mga atleta,” paliwanag ni Romero.